Tuesday, September 11, 2007

MATAPOS matsismis na may sex video sina Dennis Trillo at Alfred Vargas, si JC de Vera naman ang sabi-sabing may sex video.

Pero, mas nakakaloka ang tsismis kay JC, dahil ang kapwa-lalake na si Mike Tan umano ang kasama niya sa sex video.

Siyempre, ikinagulat nang husto ni JC ang tsismis na ito. Kaya agad na naghamon si JC, na ilabas ang naturang sex video, para mapatunayan niya na hindi siya `yon.

"Mas maganda na ipakita nila sa akin `yung sex video na `yon, para magkalaaman agad. Hindi ako mahilig mag-video ng sarili ko. At isa pa, hindi ako bakla!" mariing sabi ni JC.

Giit pa ni JC, wala raw rason para matsismis silang dalawa ni Mike Tan. Hindi raw sila close.

"Hindi talaga kami nagkikita at lalong hindi kami nagkakausap. Kung magkita man kami sa mga showbiz affairs, hanggang batian lang kami. Magkakilala lang kami.

"Baka naman hindi si Mike `yon!" sabi niya.

"Gawain `yan ng mga taong walang magawa sa buhay. Kumbaga, nilalagyan nila ng pictures o scenes mula sa pelikula ng mga artista and then, dudugtungan na nila ng ibang eksena na hindi natin alam kung saan galing.

"Tapos, palalabasin nila na `yung mga artista ang gumawa noon. Kumbaga, may magic silang ginagawa sa video!"

Sabi pa ni JC, nakakapikon din ang mga ganitong tsismis. Pero, dahil sigurado naman siyang hindi totoo, ipinagkikibit- balikat na lang niya ito.

"Nakakapikon lang na bigla ka na lang may maririnig na kesyo may ganu`n daw akong ginawa. Kumbaga, nagtatrabaho ako ng maayos, ni hindi nga ako lumalabas ng bahay para gumimik, tapos kung anu-ano pang tsismis ang ibinibigay sa akin.

"Pero, showbiz ito at tulad din ng ibang tsismis na alam naman nating hindi totoo, tinatawanan ko na lang.

"Ang nakakapagtaka lang, bakit ako ang palaging napipili sa mga ganitong intriga. Wala na ba silang maisip na ibang tao na puwede nilang intrigahin?

"Hindi naman ako naghahangad ng publicity. I mean, hindi ko kailangang gumawa ng issue o gumawa ng ganung klaseng video para pag-usapan lang ako. Hindi po ako desperado!" mariing sambit ni JC.

Pahabol pa ni JC, `yung maghubad nga raw sa mga pelikula o TV show ay hindi niya magawa, `yung i-video pa ba ang sarili niya habang may ginagawang kahalayan, lalo na at isang kapwa lalake pa ang kasama?

"Basta ako, hindi ako affected sa gender issue. `Yang mga ganyang tsismis, hindi `yan dapat pinapansin.

"Sigurado ako sa pagkalalake ko!"

Siyanga pala, ang papel na unang ginampanan ni Tonton Gutierrez sa pelikulang Pasan Ko Ang Daigdig, ang papel na ginagampanan ngayon ni JC sa version nito sa TV.

Siyempre, si Yasmien Kurdi ang kapareha niya rito.

by Rey Pumaloy

0 Comments: